‘State of war alert,’ idineklara sa Israel | GMA Integrated Newsfeed
  • 7 months ago
Idineklara ang "state of war alert" sa Israel kasunod ng paglusob ng militanteng grupong Hamas nitong Sabado, October 7. Nagpaulan ng pampasabog ang grupo at lumusob din ang mga armadong miyembro nito.

Sa huling bilang, umabot na sa 250 Israelis at 230 Gazans ang nasawi dahil sa pag-atake. Ayon sa DFA, walang Pilipinong nasawi sa paglusob. Patuloy ring binabantayan ng OWWA ang lagay ng nasa 200 OFWs na malapit sa sinalakay na Gaza Strip.


Panoorin ang video para sa ibang detalye.
Recommended