Sino si Maura? | Kapuso Mo, Jessica Soho
  • 8 months ago
Daan-daang katutubong Pilipino, dinala sa Amerika noong 1904 para itampok sa tinatawag na ‘Human Zoo’ sa St. Louis World’s Fair. Ang ilan sa katutubo, hindi lang ginamit para pagkakitaan sa exhibit. Ang kanilang utak kasi, kinuha rin para pag-aralan sa Racial Brain Collection ng Smithsonian Institution. Ano ang dahilan sa likod ng eksperimentong ito?

Ang isa sa mga sinasabing kinuhanan ng utak para sa museo, ang 18-anyos na si Maura. Sino nga ba siya? Nasaan ang kanyang pamilya? Ang kasagutan, inakyat ni Jessica Soho sa bayan ng Mankayan sa Benguet. Ang buong kuwento, panoorin sa video.
Recommended