Sumabak si Momshie Melai sa This or That challenge sa kanyang PEP Live guesting kamakailan. Rule ng challenge na pipili siya sa dalawang bagay na babanggitin at mag-e-explain lang nang maikli tungkol sa kanyang sagot.
Ilan sa mga pinagpilian niya ay coffee or softdrinks, early bird or night owl, at confronting or ignoring.
Sa choice niyang confronting ang binigay na katuwiran ni Melai ay dahil ayaw raw niya ng backstabbing.
Sa tanong na call or text, voice message naman ang naging sagot niya. Alamin naman ang sagot ni Momshie Melai kung sino ang boss sa kanila ni Jason Francisco.