Joshua Garcia, MAY PATIKIM sa kanyang birthday plans | GMA Gala 2023

  • 10 months ago
May kaunting patikim si Joshua Garcia sa pinaplano niyang gawin para sa kanyang darating na kaarawan.

Sa October 7 ang birthday ng aktor at nang tanungin sa pagbisita niya sa PEP.ph / Summit Booth nitong nakaraang GMA Gala 2023, nabanggit niya planong mag-travel para sa kanyang kaarawan.

"Bawal ko pa sabihin pero may pupuntahan ako sa birthday ko," sabi na lang ni Joshua.

Samantala, proud na proud naman siya sa kanyang role sa ‘Unbreak My Heart’, kung saan first time na nag-collaborate ang ABS-CBN at GMA-7 para sa isang TV series.

Puro magagandang salita naman ang nasabi niya sa kanyang co-stars na sina Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia, at Richard Yap.

Naniniwala siyang magtutuluy-tuloy pa ang collaboration projects ng ABS-CBN at GMA-7 sa mga darating pang panahon.

Video: Jham Mariano
Edit: Stephenie Bianca Lim

#GMAGala #GMAGala2023 #JoshuaGarcia

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended