COVID-19 State of Public Health Emergency, inalis na ni PBBM | GMA News Feed
  • 9 months ago
Inilabas na ni Pangulong Bongbong Marcos ang Proclamation No. 297 na nag-aalis sa State of Public Health Emergency sa bansa dahil sa COVID-19.

Inilabas noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 922 na nagdeklara ng State of Public Health Emergency sa buong bansa sa pagsisimula ng pandemya noong March 2020.

Patuloy pa rin daw tututukan ng gobyerno ang pagtugon sa pangangailangang medikal ng publiko. Alamin sa video ang iba pang detalye.
Recommended