Baby seal, gusto rin mag-surf? | GMA News Feed
  • 10 months ago
Kinagigiliwan ngayon ang isang baby seal na kusang lumalapit at nakikipagsabayan sa ilang mga surfer sa isang surfing park sa San Diego, U.S.A.

Ayon sa mga surfer, mahilig daw sumakay sa kanilang surfboard ang baby seal na pinangalanang Sammy ng mga residente. Hindi lang daw ito basta-basta sumasakay dahil tila masaya rin nitong sinasalubong ang malalakas na hampas ng alon.
Recommended