Alden Richards nakiusap sa BASHERS ni Sharon Cuneta: "Wag masyadong harsh."

  • 11 months ago
Nakiusap si Alden Richards sa bashers ni Sharon Cuneta na "i-forgive ang situation" at "huwag masyadong harsh" sa Megastar.

Ito'y dahil sa ginawa ni Sharon sa pag-guest nito sa E.A.T. pilot airing nung July 1, 2023, kunsaan binati niya ang Legit Dabarkads na si Maine Mendoza.

Bati ni Sharon noon sa E.A.T. co-host, "Maine, congrats, ha. Nagsu-shooting ako ngayon. May kasama ako, yung anak kong bago... Pangalan niya, Alden."

Napa-"Uy!" si Vic Sotto sa sinabi ng Megastar habang habang may napa-"Aaay!" naman sa audience at sa iba pang members ng Legit Dabarkads.

"Congrats po sa movie ninyo," ang sagot na lang ni Maine sa singer-actress.

Isa ang Twitter user na si DryedMangoez sa mga nag-tweet ng eksenang ito at nakakuha ito ng mga reaksyon na nagsabing "awkward" at "insensitive" diumano si Sharon sa ginawa niyang iyon.

Sabi ng ilang netizens, hindi dapat ginawa iyon ng aktres dahil alam naman ng lahat na ikakasal na si Maine sa fiancé nitong si Arjo Atayde.

#aldenrichards #sharoncuneta #mainemendoza

Video: Khryzztine Baylon
Edit: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended