Sasakyan, sumalpok sa gas station! | GMA News Feed
  • 10 months ago
Nakuhanan ng CCTV sa Seffner, Florida ang pagbulusok ng isang sasakyan sa gas station. Ang rumaragasang sasakyan, dumiretso sa loob ng gas station at nakasagasa ng isang lalaki.

Naipit umano ang lalaki sa pagitan ng pintuan sa driver’s side at isang metal structure. Masuwerte namang nakaligtas ang driver at biktima, na nagtamo lang ng minor injuries.

Panoorin ang pangyayari sa video.
Recommended