Mga motorista, muntik nang abutan ng landslide | GMA News Feed

  • last year
Natakot ang ilang motorista nang muntik na silang abutan ng landslide habang binabaybay ang isang highway sa Arakan, Cotabato nitong Biyernes, May 26. Nangyari ang insidente sanhi ng mga pag-ulan sa lugar, bago pa man pumasok ang Bagyong Betty sa Philippine Area of Responsibility. Wala namang naitalang nasaktan sa insidente.

Ayon sa awtoridad, madalas daw talaga mangyari ang landslide sa lugar kaya naman pinag-iingat nila ang mga dumadaan sa nasabing kalsada.

Panoorin ang video.

Recommended