Bulgarian athlete, titira sa isang glass box sa loob ng 15 araw for charity | GMA News Feed
  • last year
Titira ang isang atleta sa loob ng isang glass box na may kama at treadmill sa loob ng 15 araw. Ang gagawin ni Bulgarian athlete Krasse Gueorguiev, for charity daw. Nais niya kasing makalikom ng pera para matulungan ang mga kabataang nalululong sa iba't ibang adiksyon, katulad ng droga at alak.

Hindi ito ang unang beses na ginawa ito ni Gueorguiev para sa kanyang adbokasiya. Noong 2019 ay tumakbo siya nang mahigit 1,000 kilometro para hikayatin ang gobyerno na magtayo ng maayos na imprastruktura sa kanilang lugar. Kilalanin siya sa video.
Recommended