BEAUTIFUL STRANGERS Soundtrack (2015)

  • last year
Isang baguhang plastic surgeon si Kristine. Anak man siya sa labas, sinuportahan naman siya ng kanyang amang si Ronaldo. Kaya naman pursigido siya para maipagmalaki siya nito.

Makikilala ni Kristine si Leah, isang taong-grasa na tutulungan niya. Sunog ang balat nito at wala sa tamang pag-iisip. Dahil minsan na din siyang natulungan ni Leah, susuklian niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng normal na buhay: aayusin niya ang panlabas na anyo ni Leah. Ipagagamot din niya si Leah sa psychiatrist para bumalik ang kaliwanagan ng pag-iisip nito.

Ang hindi niya alam, si Leah ay si Joyce na may isang matindi at madilim na koneksyon sa kanyang ama. Minsang nang napagtangkaang gahasain ni Ronaldo si Joyce sa pag-?aakalang isa ito sa mga babaeng iniriregalo sa kanya ng kanyang business partners. Dahil nanlaban ang dalaga, mapagbubuhatan niya ito ng kamay at mistulang mapapatay.

Ipaliligpit naman ng kanyang asawang si Alejandra ang isa na namang kapalpakan ng kanyang asawa. Ipadadala niya ang kanyang tauhang si Rigor para iligpit ang katawan ni Joyce. Susunugin ni Rigor ang katawan upang hindi ito makilala. Ngunit ngayon ay buhay si Joyce.. at sa pagbabalik ng kanyang alaala, wala siyang ibang hihingin kundi hustisya sa kaapihang sinapit niya. Magagawa nga bang singilin ni Joyce si Kristine na siyang pinagkakautangan niya ng loob? At pagsisisihan nga ba ni Kristine ang pagtulong niya sa dating taong-grasa?

Ito ang simula ng pagtatagisan ng dalawang babaeng minsang naging mabuting mag-kaibigan....