Suspek sa Degamo slay case, sumuko na raw | GMA News Feed

  • last year
Sumuko na raw ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos. Bukod dito, may walo pang suspek ang sumuko na rin sa awtoridad. Isang “Congressman Teves” ang ikinanta bilang mastermind ng 2 dating sundalo na suspek sa pagpatay kay Degamo.

Haharap naman sa hiwalay na pagdinig ng House ethics committee si Congressman Arnolfo Teves Jr., ang kasalukuyang nakaupong kongresista ng Negros Oriental, para idepensa ang patuloy niyang pagkawala sa kongreso at hindi pag-uwi sa bansa. Ang ibang detalye, alamin sa video.

Recommended