Katulad ng ibang magkarelasyon, hindi naiiba sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte na dumaan din sa mga pagsubok.
Natanong sa kanila kung ano ang pinakamatinding challenge sa kanilang relasyon na pinagdaanan nila at kung paano nila ito nalampasan.
Pag-amin ni Ronnie, dumaan daw sila sa mga panahon na nagtatanong sila kung mahal pa ba nila ang isa't isa. Pero nanaig pa rin ang kanilang pagmamahalan kaya't hanggang ngayon ay sila pa rin.