"Walk of Faith" naging maayos at matiwasay | News Night

  • last year
Sa kabila ng pagbabago sa selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno dahil pa rin sa pandemya, hindi pa rin natinag ang mga deboto na ipakita ang kanilang pananampalataya sa tinatawag na 'Walk of Faith.'

Tumagal lamang ng mahigit dalawang oras ang ipinalit sa tradisyunal na Traslacion na ‘Walk of Faith’ na dinaluhan ng libo-libong deboto bitbit ang kanilang maliliit na imahen ng Nazareno. Sa kabuuan ay naging maayos at matiwasay ang naging selebrasyon ng bisperas ng kapistahan ng Itim na Nazareno.

May ulat ang aming correspondent na si Crissy Dimatulac.

Recommended