Kapansanan… hindi hadlang ngayong kapaskuhan | Stand for Truth

  • last year
Ang extreme sports enthusiast na si Dwight Bayona, 26-anyos na nang tanggalan ng kanang paa matapos maipit sa go kart. Kinailangan namang putulin ang braso ni Sean Beltran dahil sa Stage 4 cancer. Samantala, ang Chef na si Maricel Apatan, tinaga ang dalawang kamay dahil sa away sa lupa.

Sa kabila ng mga kapansanang ito, pinatunayan nila na hindi hadlang ang pagiging PWD para ipakita sa mundo na may pag-asa.

Kaya para tulungan ang kapwa nila PWDs, namigay ang grupo nina Dwight, Chef Maricel at Sean ng mahigit 1000 wheelchairs sa Laguna at Quezon.

Recommended