Nagbebenta Ng Barbeque Naging May-Ari Ng Farm Resort: 'Nagsimula Kami Sa Zero' | Buhay Probinsiya
  • last year
Laging tinatanong si Harry Llaguno, Farm Plate owner, kung namana ba niya ang property na kinatatayuan ng farm resort sa Daraga, Albay. “Nagsimula kami sa zero,” sagot ni Harry.

Bata pa lang daw siya, pangarap na niya magkaroon ng farm resort. Pero marami siyang pinagdaanan bago niya nakamit ang ultimate dream niya. Unti-unti raw nabuo ang pangarap niya sa tulong ng kanyang asawa at mga anak.

Ngayong may farm resort na siya, laking pasasalamat siya dahil bukod sa mayroon na siyang retirement business, makakapagbigay saya rin siya sa mga pamilya, mga bata at iba pang mga bisita ng kanyang farm resort.
Recommended