Kinantahan ni Heaven Peralejo ang audience na dumating sa Quezon City Memorial Circle para panoorin ang programa pagkatapos ng Metro Manila Film Festival 2022 Parade of Stars.
Kinanta ni Heaven ang "Torete" ng Moonstar88. Maya-maya pa ay sinamahan na siya sa stage ng Nanahimik Ang Gabi co-stars niyang sina Mon Confiado at Ian Veneracion.
Sexy at stunning si Heaven sa kanyang red dress, habang makikisig at guwapo naman pareho ang co-stars niyang sina Ian at Mon.