Jovit Baldivino, pumanaw na sa edad na 29 | GMA News Feed
  • last year
Bumuhos ang pakikiramay ng mga kaibigan at taga-suporta ng pumanaw na OPM singer na si Jovit Baldivino ngayong Biyernes, December 9, 2022. Kinumpirma ito ng kanyang asawa.

Kamakailan lang ay naiulat na isinugod sa isang ospital sa Batangas City ang 29-anyos na singer matapos umanong mahimatay sa isang party.

Nakilala si Jovit matapos maging kauna-unahang kampeon sa isang talent singing competition noong 2010. Ang ibang detalye, alamin sa video.
Recommended