24 Oras Express: October 5, 2022 [HD]

  • 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Miyerkoles, October 5, 2022:

- Mga de-motorsiklong namaril sa mamamahayag na si Percy Lapid, nakunan sa dash cam

- Pres. Bongbong Marcos, tututukan daw ang pagtugon sa epekto ng climate change ng bansa

- Dating Executive Secretary Vic Rodriguez, nais daw bigyan ng maraming oras ang pamilya kaya tuluyan nang umalis sa administrasyong Marcos

- Rep. Fernandez, naghain ng panukalang batas na gawing krimen ang pamemeke ng kidnapping

- Gastos sa biyahe, tumaas kasunod ng inaprubahang dagdag-pasahe sa bus

- Sen. Robin Padilla, boluntaryong nagpa-drug test kasunod ng panukalang batas na gawing mandatory ang drug testing sa showbiz industry

- Sen. Imee Marcos, namahagi ng tulong sa mga nasalantang residente at magsasaka sa Gapan, Nueva Ecija at San Miguel, Bulacan

- VP at DepEd Sec. Sara Duterte at First Lady Liza Araneta-Marcos, dumalo sa pagdiriwang ng "National Teachers' Day" sa Abra

- DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, sinabing patuloy na makikipag-usap sa United Nations kaugnay sa karapatang pantao

- Presyo ng dressed chicken, tumaas sa P190/KG sa ilang palengke

- 4,203 trabahador ng Mactan Export Processing Zone o MEPZ, nawalan ng trabaho dahil daw sa mataas na presyo ng produktong petrolyo

- P500,000 pabuya, inialok sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para mahanap ang nasa likod ng pagpatay kay Percy Lapid

- P1,000 insentibo mula sa DepEd, natanggap ng ilang guro ngayong araw

- Pres. Bongbong Marcos, binigyang diin ang kahalagahan ng media at malayang pamamahayag sa pagpapa-unlad ng bansa

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.