Queen Elizabeth II pumanaw na
  • 2 years ago
Buong mundo ang nagluluksa sa pagpanaw ni Queen Elizabeth the Second ng Britanya sa edad na 96. Ayon sa Buckingham Palace, mapayapang namaalam ang longest reigning monarch Huwebes ng hapon, oras sa Britain, sa Balmoral Castle sa Scotland. Nauna nang napabalitang humina ang kalusugan ng reyna kahapon.

Sa pagpanaw ni Queen Elizabeth the Second, mauupo bilang hari ang kaniyang panganay na anak na si Prince Charles. Ang mga lider ng iba't ibang bansa ay nakikiisa rin sa pagluluksa.


Visit our website for more #NewsYouCanTrust: https://www.cnnphilippines.com/

Follow our social media pages:

• Facebook: https://www.facebook.com/CNNPhilippines
• Instagram: https://www.instagram.com/cnnphilippines/
• Twitter: https://twitter.com/cnnphilippines
Recommended