74-anyos na Pinay, sinapak ng isang babae sa New York | GMA News Feed
  • 2 years ago
Nakunan ng CCTV kung paanong bigla na lang sinapak ang isang Pilipinang senior citizen habang naglalakad sa Manhattan, New York. Dali-dali namang lumayo ang suspek matapos ang pagsapak nito sa 74-anyos na biktima.

Isa lamang siya sa tila dumaraming kaso ng “unprovoked attack” sa Amerika kung saan ang biktima ay Pilipino. Payo ng Philippine Consulate General sa New York sa ating mga kababayan, maging alerto at mas maingat.

BASAHIN: https://www.gmanetwork.com/news/pinoyabroad/dispatch/842969/consulate-74-year-old-filipina-victim-of-unprovoked-attack-in-new-york-city/story/
Recommended