Habang nag-iisip sa tanong na "Given the chance that you will portray another na nasa Encantadia, Sino?", naalala ni Diana Zubiri na idol niya si Sunshine Dizon at ikinuwento nung unang beses niyang nakita ito sa personal. Buti na lamang daw at binati siya ni Sunshine noon.
Samantala, si Pirena naman ang napili ni Iza Calzado na gampanan tulad kay Diana Zubiri. Pabiro namang sagot ni Karylle ay si Imaw.