Richard Gomez, Robin Padilla at ilan pang personalidad sa 1st SONA ni President BBM
  • 2 years ago
Leon Guerrero, Alyas Pogi, at Bad Boy, naispatan sa unang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.!

Actually, ito ang mga bruskong karakter na ginampanan noon nina Lito Lapid, Bong Revilla, at Robin Padilla, respectively, sa kani-kanilang mga pelikula bago pa sila nahalal bilang mga Senador ng ating bansa.

Makikita pang nagse-selfie muna ang action stars turned politicians bago magsimula ang unang State Of The Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos.

Kung noo'y mga script sa pelikula ang pinagkakaabalahang basahin nina Lapid, Revilla, at Padilla, ngayo'y mga dokumentong naglalaman ng mga batas ang pagtutuunan nila ng pansin at panahon bilang mga halal na Senador.

Ilan lang sila sa mga kilalang personalidad na namataan ngayong araw, Lunes, July 25, 2022, sa unang SONA ni Pangulong Marcos Jr. sa harap ng pinagsamang Mataas at Mababang Kapulungan sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

#BBM #RichardGomez #BongRevillaJr.

Acknowledgment: RTVM Malacanang
Video Editor: Antonio Payomo III

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph
Recommended