Mga bahay, nasunog sa tindi ng init dala ng Europe heatwave | GMA News Feed
  • 2 years ago
Hindi na lang mga kagubatan ang nasusunog sa ilang bansa sa Europa dahil sa record-breaking na init doon ngayon.

Pati mga bahay sa London, nasunog na matapos pumalo sa 40 degrees ang temperatura doon. Sa Portugal at Spain naman, daan-daan na ang namatay sa sobrang init!

Ayon sa meteorologists, magpapatuloy ang mga heatwave tulad nito dahil sa climate change. Panoorin sa video.
Recommended