Ang masayang buhay ni Sophia (Jillian Ward) biglang nagbago nang pumanaw ang ama at maiwan siya sa pangangalaga ng kaniyang stepmother na si Pearl (Maxine Medina). Imbes kasi na pag-aaruga, puro pagmamalupit ang kaniyang natanggap. Kaya naman nagdesisyon siya na umalis na lamang sa kanilang bahay. Sa kaniyang paglalayas, makikilala niya sina Mama Gigi (Ricky Davao) at Dyosa (Christian Antolin) na magpaparamdam sa kaniya ng tunay na pagmamahal ng isang magulang.
Pero ang bagong pamilya ni Sophia, muling wawasakin ng kaniyang stepmother! Makamit pa kaya niya ang pagmamahal ng isang magulang? Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa isang nakakaantig na kuwento sa Tadhana: Tayong Dalawa ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7!