'Raising taxes now not really helpful' : INTERVIEW WITH INCOMING NEDA CHIEF ARSENIO BALISACAN | Stand for Truth
  • 2 years ago
Bilang secretary ng National Economic and Development Authority (NEDA), ang pagkakaroon ng “inclusive society” at maayos na distribusyon ng opurtunidad para sa mga mahihirap ang isa sa mga pangunahing layunin ni Arsenio Balisacan.

Bukod diyan, binigyan diin din niya ang pagtutok sa agricultural sector at human capital investment sa administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Samantala, hindi naman siya sang-ayon sa pagtataas ng buwis dahil hindi raw ito makatutulong sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Anu-ano ang mga plano at bagong istratehiya ni Balisacan bilang NEDA chief sa pangalawang pagkakataon? Panoorin ‘yan sa panayam na ito ni Richard Heydarian.