11 sanggol, nasunog nang buhay sa ospital | GMA News Feed

  • 2 years ago
Labing-isang sanggol na nasa incubator ang nasunog nang buhay sa isang ospital sa Senegal. Kumalat ang apoy sa neonatal department matapos umanong mag-short circuit ang linya ng kuryente.

Sinubukan ng staff na patayin ang apoy pero bigo silang matumbok ang pinanggalingan ng sunog kaya patuloy itong kumalat.

Ang iba pang detalye, alamin sa video!