Kampo ni Marcos Jr. sa isyu ng nawawalang Picasso painting
  • 2 years ago
Sa programang #SaTotooLang ng One PH, hinamon ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni presumptive president Bongbong Marcos, si dating Presidential Commission on Good Government chairperson Andres Bautista na bumalik sa bansa upang patunayan ang kaniyang alegasyon kaugnay sa isyu ng nawawalang Picasso painting.

Matatandaang lumabas sa isang litratong isinapubliko ni Sen. Imee Marcos ang nawawalang painting na "Femme Couche VI" sa bahay ng kaniyang ina na si dating first lady Imelda Marcos. #BilangPilipino2022
Recommended