Hit and run, nauwi sa rambulan | GMA News Feed

  • 2 years ago
Sa kuha ng CCTV, isang Chinese national na nagmamaneho ng SUV ang nakabangga ng motorsiklo sa isang subdivision sa Parañaque at tinakbuhan lamang ang biktima.

Nang harangin ng mga guwardiya ang SUV, nakipagtalo sa kanila ang mga sakay nito. Nauwi na sa rambulan ang insidente nang nagsimulang manapak ang isa sa mga tauhan ng Chinese.

Inamin ng isa sa grupo na lasing sila at galing sa inuman. Ang iba pang detalye, alamin sa video.

Recommended