Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, April 21, 2022:
-Ilang pasaherong pa-probinsya, walang masakyang bus sa mga bus terminal / Paglilinaw ng LTFRB: hindi kami kasama sa kasunduan; 10pm-5am lang puwedeng gamitin ang mga private terminal /LTFRB: kapag lampas na sa 10pm-5am window, puwedeng magbaba at magsakay sa integrated terminals / MMDA: naging maayos ang pag-uusap kasama ang provincial bus operators noong Martes -LTFRB, Ipatatawag ang provincial bus operators dahil sa abalang idinulot ng ipinatupad na bagong scheme -Nagkakaisang samahan na nangangasiwa ng panlalawigang bus sa Pilipinas, pinabulaanan ang isyu na ayaw nilang bumiyahe -OCTA Research: wala pang indikasyong papunta sa panibagong COVID surge ang bahagyang pagdami ng kaso; Pilipinas, nasa very low risk classification pa rin -Presyo ng baboy, gulay at asukal sa Marikina market, nagmahal / Ilang manufacturers, hiniling na magtaas-presyo dahil sa pagtaas ng production cost at ng presyo ng raw materials -Truck ng bumberong reresponde sana sa isang vehicular accident, bumaliktad at nahulog sa bangin; 1 patay, 2 sugatan -Umano'y suspek sa pamamaril sa Taytay, Rizal, patay sa engkuwentro; kasama nito, patay rin -Mga colorum na sasakyang nag-aalok sa mga pasahero ng biyahe pa-probinsya, naglipana -Pangarap at tibay ng loob, puhunan ng ilang magsisipagtapos sa Philippine National Police Academy -Disaster survival kit o go bag -Lalaki, sugatan at nabalian pa ng buto matapos pagtulungan ng isang grupo ng kabataan -Philippine consulate sa New York, isinara dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19; paghahatid ng mga balota, hindi maaantala -COVID-19 data – April 20, 2022 -Magnitude 6.1 na lindol, niyanig ang Manay, Davao Oriental -Mga dapat gawin sakaling abutan ng Lindol -MMDA Chairman Romando Artes -Photo nina Jay Park at BTS member Jungkook, pinusuan ng fans / Shawn Mendes, ibinahagi ang ilang struggles na hinaharap niya -Health and safety protocols sa araw ng botohan, inilatag -Weather update -NDRRMC: umakyat na sa 224 ang nasawi dahil sa bagyo -Bubble Gang, mapapanood na ng 9:40 pm tuwing Biyernes sa GMA/ ""The Fake life" stars Beauty Gonzalez, Sid Lucero at Faye Lorenzo sa kanilang tiktok dance challenge -PH Consulate sa Shanghai: Pilipinong may COVID-19 sa Shanghai, China, umakyat sa 13