Lalaking nire-rescue, nahulog mula sa helicopter sa Deoghar, India | GMA News Feed
  • 2 years ago
BABALA: Naglalaman ng sensitibong video.

Imbes na mailigtas, nahulog mula sa helicopter ang isang lalaking nire-rescue mula sa cable car na nabalahaw sa ibabaw ng bundok sa India!

Nangyari ang trahedya matapos magbanggaan ang 2 cable cars at ma-stranded sa ere ang mahigit 50 pasahero.

Giit ng mga awtoridad, maayos naman umano ang pagkaka-harness sa mga biktima pero napakalakas daw ng hangin nang isagawa ang rescue operations.

Ang trahedyang na-hulicam, tunghayan sa video!
Recommended