Pimentel, pinaiimbestigahan sa Senado ang estate tax ng pamilya Marcos
  • 2 years ago
Naniniwala si Sen. Koko Pimentel na sapat ang oras para dinggin sa Senado ang isyu sa estate tax ng pamilya Marcos. Ayon sa senador sa panayam sa kaniya ng #SaTotooLang ng One PH, maaaring pangunahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon tungkol dito.

Matatandaang naghain ng resolusyon si Pimentel para paimbestigahan sa Senado ang hindi pagkolekta ng Bureau of Internal Revenue sa naturang estate tax mula pa noong 1997.
Recommended