Kampo ni Robredo, kumpiyansang may iba pang partido ang susuporta sa kanilang panig
  • 2 years ago
Kumpiyansa ang kampo ni Vice Pres. Leni Robredo na marami pang ibang partido ang magpapahayag ng suporta sa kandidatura ni Robredo sa pagkapangulo.

“42 days pa, marami pang puwedeng mangyari. Kung may isa, mayroon nang dalawa, mayroon nang tatlong nauna, sigurado may mga susunod pa,” pahayag ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ng bise, sa programang #’WagPo! ng One PH.
Recommended