Moreno, maaaring makinabang sa mga boto ni Lacson kapag binawi ng senador ang kanyang kandidatura
  • 2 years ago
Maaaring kay Manila Mayor Isko Moreno mapunta ang mga boto na para sana kay Sen. Ping Lacson sakaling umatras siya sa kandidatura sa pagkapangulo, ayon sa political analyst Prof. Edmund Tayao.

Sa programang #SaTotooLang ng One PH, ibinahagi ni Prof. Tayao na si Mayor Isko ang palaging nangunguna bilang second choice sa pagkapangulo sa mga isinasagawang survey, kaya't maaaring sa kanya mapunta ang mga boto at hindi kay presidential candidate Vice Pres. Leni Robredo. #BilangPilipino2022
Recommended