Russia vs. Ukraine— Imbakan ng pagkain at langis, pinapasabog na rin | GMA News Feed
  • 2 years ago
Imbakan ng pagkain at langis sa Ukraine, binobomba na rin ng Russia.

Sa patuloy na pagpapaulan ng Russia ng high-precision long-range missiles, hindi na lang military facilities ang kanilang inaasinta para gipitin ang gobyerno ng Ukraine.

Nanawagan naman si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa NATO na magpadala ng mas malalakas na armas at missile defense system lalo't plano na rin nilang maglunsad ng guerilla warfare sa mga lugar na okupado na ng Russians.

Ang update sa giyera sa Ukraine, tunghayan sa video!
Recommended