"Mas radikal ang magmahal." Ito ang sagot ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Vice Pres. Leni Robredo, sa "Lenlen Loser" video na nag-viral sa social media. Sa programang #SaTotooLang ng One PH, iginiit ni Gutierrez na sanay na sila sa mga paninira at pangungutya, at ang sagot nila rito'y pag-iintindi at pagmamahal. "Hindi tayo kailangang mag-away-away, hindi tayo kailangang makipagbangayan," pahayag ni Gutierrez. #BilangPilipino2022