Rizalito David, nais magkaroon ng ‘grand coalition’ vs. Marcos-Sara Duterte tandem
  • 2 years ago
Nais ni vice presidential candidate Rizalito David na bumuo ng “grand coalition” laban sa tandem nina Bongbong Marcos Jr. at Mayor Sara Duterte. Nakausap na rin daw niya ang iba pang kandidato sa pagkabise presidente hinggil dito. Dagdag ni David, handa siyang suportahan ang kahit sinong kandidato basta ang importante ay talunin ang tambalang Marcos-Duterte.

“I also take it personally bakit kailangan bumalik ng mga Marcos at manatili ang mga Duterte sa poder ng ating pamahalaan?… I suppose kung magtutulong-tulong kami, isa na lang ang aming ihaharap na kandidato sa pagkapangalawang pangulo at ilalaban kay Sara, maging ‘yung pagkapresidente niya ilaban kay Bongbong Marcos, baka magkaroon pa ng pag-asa na talunin ‘yung dalawa,” ayon sa vice presidential candidate sa programang #SaTotooLang ng One PH. #BilangPilipino2022
Recommended