State of the Nation Express: March 16, 2022 [HD]
  • 2 years ago
Narito ang mga balitang dapat n'yong malaman sa State of the Nation ngayong Miyerkoles, March 16, 2022:

- Presyo ng diesel, posibleng bumaba nang P12/L habang ang gasolina ay mahigit P5/L sa susunod na linggo, ayon sa DOE

- Ipinagpalibang taas-presyo ng Petro Gazz, itutuloy na bukas

- P200 na dagdag ayuda para maibsan ang epekto ng sunud-sunod na oil price hike, hindi raw sapat para sa ilang Pilipino

- Four-day work week na may tig-10 oras na trabaho kada araw, iminumungkahi ng NEDA sa gitna ng mataas na presyo ng petrolyo

- Moreno, pabor na alisin ang excise tax sa produktong petrolyo

- Lacson: Dapat nang matuloy ang barangay election dahil wala namang problema sa pondo para rito

- Marcos, dumepensa sa hindi pagdalo sa debate ng Comelec sa Sabado

- BIR, sinabing pinadalhan na nila ng written demand ang pamilya Marcos kaugnay ng sinisingil na estate tax

- Omicron sublineage B.A.2.2 na kumakalat sa Hong Kong, binabantayan ng DOH

- Atienza, binigyang-diin ang kahalagahan ng soberanya ng Pilipinas sa Philippine Rise

- VP Robredo, sinagot ang pahayag ni Senator Ping Lacson na may lumapit sa kanya mula sa kampo ni Robredo para himukin siyang umatras sa pagka-pangulo

- De Guzman, iminungkahing bawasan ang oras ng trabaho pero dapat manatili ang sahod at benepisyo ng mga manggagawa

- Inang ibinenta ang anak sa halagang P45,000, humingi ng tulong sa NBI para mabawi ang anak

- Bea Alonzo, sumagot sa comment ng netizen na matanda na siya para sa sexy commercial

- Diskarte para maibsan ang matinding init

- Ilang kaanak ng OFW sa Russia, nababahala sa bagsak na exchange rate

- Financial advice ng isang Gen-Z vlogger, tinatangkilik maski ng mga nakatatanda

- GMA News Online cover story ni Atom Araullo na "The Hunger Pandemic," first prize sa Journalism for an Equitable Asia Award

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of State of the Nation.

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo and Maki Pulido. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.