Mayor Vico, nilinaw ang pagbibigay ng venue para sa campaign rally ni VP Leni sa Pasig

  • 2 years ago
“WALA NAMAN PONG IBANG VENUE. ANG SIKIP PO SA PASIG”

Ito ang paliwanag ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa request ng ilang supporter na lakihan ang venue sa campaign rally para kay presidential candidate Vice Pres. Leni Robredo.

“Kung may ma-suggest silang ibang area ay puwede naman,” dagdag ni Mayor Vico sa programang #AllPoliticsIsLocal ng One PH.
Nauna nang itinanggi ng alkalde na gaganapin sa quadrangle ng city hall ang naturang event dahil aniya hindi ito bukas para sa anumang political rally. #BilangPilipino2022

Recommended