#PinaysCanSTEM: Electrical engineer Lynne Gonzales | GMA Digital Specials
  • 2 years ago
"Hindi ko kailangang patunayang ako 'yung pinakamagaling. By just being here, unti-unti nating nae-establish 'yung kakayanan ng kababaihan."


Isang proud Ivatana at electrical engineer, pinili ni Lynne Gonzales na bumalik sa kinalakihan para tulungan ang kanyang kababayan. Isa siya sa mga namuno sa power restoration ng Batanes nang tamaan ito ng bagyo at lindol.


Bukod sa paglilingkod sa komunidad, patuloy ring nilalabanan ni Lynne ang ilang gender biases laban sa mga babaeng engineer. Ang kanyang kuwento, alamin sa video na ito.


#WomensMonth #BreakTheBias
Recommended