Russian forces, nagpaulan ng missile matapos maubusan ng pagkain at fuel | GMA News Feed
  • 2 years ago
Nagpaulan ng missiles ang puwersa ng Russia sa Kyiv at Kharkhiv na siyang pinakamalalaking lungsod sa Ukraine.

Tinamaan niyan ang tore ng isang TV network at ilang residential buildings. Ayon sa mga awtoridad, maraming sibilyan ang nasawi kabilang ang isang buong pamilya na may 3 bata.

Ayon sa Ukrainian government, nagbago ng taktika ang mga sundalo ng Russia matapos nilang maubusan ng supply ng pagkain at fuel habang patungo sila sa Kyiv.

Ang ikaanim na araw ng paglusob ng Russia, tunghayan sa video!
Recommended