COVID-19 vaccination sa mga batang 5-11 years old | The Mangahas Interviews

  • 2 years ago
Dagdag na proteksyon at pagkakaiwas sa komplikasyon ang maibibigay ng COVID-19 vaccine sa mga bata, ayon kay Pedriatic Infectious Diseases expert Dr. Anna Lisa Ong-Lim.

Nitong Lunes, sinimulan na ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 anyos. Ayon kay Dr. Ong-Lim, mas mainam na sumangguni sa healthcare professional ang mga magulang na may agam-agam pa ring pabakunahan ang kanilang mga anak, para makakuha pa sila ng impormasyon tungkol dito.

Ang ilan pang mga katanungan tungkol sa COVID vaccination sa mga bata, sinagot ni Dr. Anna Lisa Ong-Lim sa episode na ito ng The Mangahas Interviews.

Recommended