24 Oras Express: December 27, 2021 [HD]

  • 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, December 27, 2021:

- Babae mula Amerika na dumating noong December 10, 2021, ika-4 na kaso ng Omicron variant sa bansa

- Bagong COVID-19 cases na naitala ngayong araw, bumaba sa 318; Active cases, umakyat sa 9,579

- DOH: Iwasan muna ang paggamit ng torotot bilang paingay sa Bagong Taon para iwas hawaan

- Ilang namimili ng mga pampasuwerteng bilog na prutas, dagsa sa Divisoria; presyo ng mga imported na prutas, posible pang tumaas

- Hiling ng mga nasalanta, dagdag na materyales para sa kanilang mga nasirang bahay

- Mga binagyo, patuloy na humihingi ng tulong lalo na ngayong magbabagong taon

- Nasa 500 na pribadong ospital ng PHAP, hindi muna awtomatikong kakaltasin ang share ng Philhealth sa Jan. 1-5, 2022

- NDRRMC: 19 ang nasawi, 2 ang sugatan at 16 ang nawawala sa pananalasa ng Bagyong #OdettePH sa Palawan

- Ilang kompanya ng langis, magpapatupad ng rollback simula bukas

- Ilang presidential, vice-presidential at senatorial aspirants, tuloy sa kani-kanilang aktibidad ngayong araw

- Dolomite Beach sa Manila Bay, bubuksan muli sa publiko

- 7 patay, 9 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan; sanhi ng disgrasya, inaalam pa

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended