Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, December 13, 2021:
- PAGASA: Binabantayang bagyo, bukas inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility - Miss India Harnaaz Sandhu, nanalong 70th Miss Universe - Guwardya, patay matapos pagbabarilin ng 6 na armadong lalaki - Kagawad ng Barangay 14, patay matapos pagbabarilin - Mga sasakyan sa Allen port sa Northern Samar at Matnog Port sa Sorsogon, stranded - Ilang bahagi ng Aklan, binaha; Cotabato, nakaranas din ng pag-ulan - FDA: Posibleng maaprubahan ngayong Disyembre ang emergency use authorization ng Pfizer vaccine para sa edad 5-11 na taon - 7 pribadong ospital sa Iloilo, hindi na mag-re-renew ng accreditation sa PhilHealth dahil sa unpaid claims - Reklamo ng ilang online bank customer na natangayan umano ng libu-libong pisong halaga ng pera, iniimbestigahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas - P1.3-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu, nasabat sa isa umanong drug dealer; wala siyang pahayag - 5 Lalaki kabilang ang mag-amang nasa drug watchlist, huli sa buy-bust - Mga pasaherong pauwi sa probinsya para sa Pasko, dagsa na pantalan - 2 lanes ng Commonwealth Ave., isinara para sa konstruksyon ng MRT-7 Manggahan station - Tanong sa Manonood: Ano ang masasabi mo sa pahayag ng OCTA research na maaari nang magluwag sa paggamit ng face mask kapag bumaba na sa 100 ang bagong COVID cases kada araw? - Marian Rivera, classic in white outfit bago ang 70th Miss Universe coronation sa Eilat, Israel - P374,000 halaga ng umano'y shabu, nasabat sa buy-bust operation; naarestong suspek, walang pahayag - Sec. Duque sa alegasyon ni Sec. Locsin na nag-"drop the ball" uli ang gobyerno: walang katuturan - DOH: 402 ang naitalang bagong COVID cases sa bansa - Poinsettia farm sa La Trinidad, Benguet, bukas sa mga turista - 6 kabataan, huli cam sa pagnanakaw ng dalawang pares ng tsinelas - Babaeng wanted sa Maynila dahil sa qualified theft, huli; Itinanggi niya ang paratang - Baguio City LGU, pinaghahandaan na ang pagdagsa ng mga turista ngayong holiday season - Kapuso bigay premyo sa Pasko week 6 winners - Panayam kay Jocelyn Andamo, Secretary General, Filipino Nurses United - Nonito Donaire, nadepensahan ang kaniyang WBC World Bantamweight Championship title - Panayam kay Jose Villaret. Jr., VP for Corporate Affairs, PDIC - P72,000 halaga ng umano'y shabu, nasabat; 4 na arestadong suspek, walang pahayag - Pag-alis sa tatlong bayani sa P1,000 Philippine bill, pinuna - Kiarra Belle Poblador ng Silliman University, nanguna sa 2021 Nurse Licensure Examination - Acacia tree na pinailawan ng Christmas lights, instant attraction sa mga residente