Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, December 7, 2021:
- PSA: Inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, bumaba pa sa 4.2% nitong Nobyembre mula sa 4.6% noong Oktubre - Halos P3.00 kada litrong rollback sa produktong petrolyo, epektibo ngayong araw - PUV drivers at delivery riders, ikinatuwa ang rollback sa mga produktong petrolyo - 20 bahay sa Brgy. Pulang lupa dos, nasunog; bumbero, sugatan - Mga tumataya sa hindi otorisadong online sabong, huli - Fr. Austriaco ng OCTA Research: Pilipinas, natamo na ang substantial population immunity kontra-COVID - 2 alkalde ng Basilan, pinagbabaril; 1 patay, 1 kritikal - PSA: bumaba sa 7.4% ang unemployment rate sa Pilipinas - Tindahan ng burger, hinoldap; dalawang crew, nakatakas at nakahingi ng saklolo - Weather update - DOH: Wala pang kaso ng Omicron variant sa bansa - OFW sa Belgium, hindi makauwi sa Pilipinas dahil sa Omicron travel restrictions - Teaser ng "Happy Together" sitcom ni John Lloyd Cruz, ipinasilip na - Panayam kay PLM President Prof. Emmanuel Leyco - Promotion bilang hepe ng isang pulis na hindi pa bakunado, napurnada dahil sa bagong patakaran ng PNP - TANONG SA MANONOOD: Ano ang masasabi mo sa bagong polisiya ng PNP para sa lahat ng miyembro nito na "no jab, no duty" o kung hindi bakunado kontra-COVID, hindi makakapagtrabaho?" - Japan, patuloy raw na magbibigay ng tulong sa Philippine Coast Guard - 15 crew, nailigtas matapos masunog ang sinasakyang motor launch; P13.5 milyon ang halaga ng napinsala - Ilang business groupS, nanawagan sa mga pulitiko at social media operators na itigil ang pagpapakalat ng maling impormasyon at hate speech sa social media - GMA Network, nanalong TV Station of the Year sa 2021 Platinum Stallion National Media Awards ng Trinity University of Asia