Ruby Rodriguez on coping with loss and grief | Share Ko Lang
  • 3 years ago
"There are times here at night, when I was alone, titingin ako sa taas and I’ll think of her and I start crying."

Mahigit isang taon na ang nakalilipas nang mawalan ng kapatid ang aktres at TV host na si Ruby Rodriguez. Si Dr. Sally Gatchalian ang ika-siyam na doktor sa bansa na binawian ng buhay dahil sa COVID-19. Lumipas man ang panahon, hindi raw mawawala kay Ruby ang puwang ng pagkamatay ng kanyang Manang Sally.

Malaki rin ang naging pagbabago sa buhay ng kanilang pamilya nitong mga nakalipas na buwan. Iniwan ni Ruby ang buhay showbiz para manirahan sa Amerika. Paano niya kaya hinaharap ang lahat ng mga hamon sa kanyang buhay? Panoorin ang episode na ito ng Share Ko Lang kasama ang psychologist na si Dr. Anna Tuazon!
Recommended