Narito ang mga nangungunang balita ngayong WEDNESDAY, SEPTEMBER 22, 2021:
- Octa Research: Nasa end game na ang laban kontra sa Delta variant ng COVID-19 ang Pilipinas - 10% indoor dining, hindi raw sapat para makabawi ang mga restaurant - Pag-iwas ni former Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao sa mga tanong, ikinagalit ng ilang senador - Lalaking dati nang nakulong dahil sa kaso sa ilegal na droga, patay sa pamamaril - Limitadong kapasidad sa loob at labas ng Baclaran Church, mahigpit na ipinapatupad - Panayam kay Alliance of Concerned Teachers Philippines Secretary General Raymond Basilio - 8 bahay, natupok sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City; 16 pamilya, apektado - Pangulong Duterte, nagsalita sa 76th United Nations General Assembly #UN #UNGA #UnitedNations - Julian Ongpin na huling kasama ni Bree Jonson bago siya namatay, nagpaliwanag kaugnay sa kanyang mga sugat - 3 sugatan sa banggaan ng van at luxury car - 3-anyos na bata, nasagip sa pagkakalunod matapos bigyan ng CPR | 12-anyos na bata, sugatan matapos mabagsakan ng martilyo mula sa ginagawang gusali - LPA, papalabas na ng par ngayong araw; - ITCZ, nagpapaulan sa southern Luzon, Visayas, at Mindanao - President Duterte, kinondena ang pangho-hoard umano ng COVID-19 vaccines ng mayayamang bansa - Mga nagbibiyahe ng gulay mula Benguet, hinihingan ng negatibong COVID test result o vaccination card - Kampo ni Mayor Isko Moreno, kinumpirmang tatakbo siya sa pagka-pangulo; Doc Willie Ong, kanyang magiging running mate - 1Sambayan, nagsagawa raw ng internal survey sa kanilang mga miyembro para pagbasehan ng posibleng mga pambato sa #eleksyon2022 - Giant baby sa Butuan City na nag-viral, binigyan ng ayuda ng kanilang LGU - Post-breakup look ni LJ Reyes, pinusuan ng kanyang followers - David Archuleta, may pa-shoutout sa pinoy fans sa karaoke cover niya ng "Rainbow" ng South Border - Mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, patuloy na bumababa - Pari sa Christ the King Mission Seminary, namatay sa COVID-19 - Grupo ng dolphin, tila nag-perform para sa mga mangingisda