Isang residente ang nasawi nang mabagasakan ng puno habang nasa loob ng kanyang bahay, sa kasagsagan ng Hurricane Ida sa Louisiana, USA nitong Linggo.
Nag-landfall na kanina ang bagyo, dala-dala ang malakas na hampas ng hangin at pag-ulan. Pinangangambahang magiging matindi ang pinsala nito, kaya ang ilang residente, nagsimula nang magsilikas.