Jericho Rosales naalala ang panahong pinagtatawanan ang pag-i-English niya: "It hurts."

  • 3 years ago
Business o film sana ang gustong aralin ni Jericho Rosales nang tanungin ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung anong kurso ang nais nito sanang kunin sa kolehiyo.

Nakausap ng PEP.ph si Echo (palayaw ni Jericho) noong nakaraang April 21, 2021, via Zoom.

Hindi na naipagpatuloy ng 42-year-old ABS-CBN actor ang kanyang college studies noong kabataan pa niya dahil kinailangan niyang mag-focus bilang artista upang may maipangtustos sa kanyang pamilya.

Nakapagtapos si Jericho ng kanyang secondary education sa New Era High School sa Quezon City.

Hindi man nakapagtapos ng kolehiyo, nanatiling pursigido si Jericho na matuto.

Hindi raw natatakot si Jericho na magtanong kapag hindi nito naiintindihan ang isang bagay.

Pero aminado rin si Jericho na nasasaktan siya noon kapag pinag-uusapan at pinagtatawanan kung paano siya magsalita ng English.

"People were laughing at me. 'O, English nang English si Jericho... English nang English, mukha namang ganito, ganyan, di ba? It hurts..."

Sa panayam na ito ng PEP.ph, binalikan din ni Echo ang ilan sa kanyang most memorable moments noong siya ay estudyante pa lamang sa high school at kung gaano siya ka-proud na galing siya sa public school.

Panoorin sa video sa itaas.

#JerichoRosales #PEPexclusives

Video Producer: Nikko Tuazon

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended