Mahirap ba para kay Olympic weightlifter Hidilyn Diaz na coach din niya ang kanyang boyfriend?

  • 3 years ago
Mula nang maging Olympics silver medalist ang female weightlifter na si Hidilyn Diaz, itinuturing na rin siyang celebrity.

At gaya ng kahit sinong celebrity, marami rin ang interesado sa personal na detalye tungkol sa kanya.

Katulad na lang ng interes ng publiko sa kanyang love life.

Naisulat na sa ilang publications at websites at na-feature na rin sa ilang TV shows sina Hidilyn at ang Filipino-Japanese Guamanian boyfriend niyang si Julius Naranjo.

Isa ring weightlifter si Julius na lumaban na rin internationally. Sa isang weightlifting championships nga sila nagkakilala ni Hidilyn nung 2017.

Maaga nga lang nagretiro sa kumpetisyon si Julius nang magkaroon ito ng career-ending back injury.

Ngayon ay bahagi si Julius ng coaching staff ng Team HD na nakatulong kay Hidilyn na makapag-uwi ng gold medal mula sa 2018 Asian Games, bronze medal mula sa 2019 World Championships, at gold medal muli mula naman sa 2019 SEA Games na ginanap sa Pilipinas.

Kaya't tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) 2016 Olympics women's weightlifting silver medalist kung mahirap bang maging coach ang kanyang boyfriend.

Panoorin ang video para sa sagot ni Hidilyn.

#HidilynDiaz #SummitSandwichSessions

Video Producer and Editor: Rommel Llanes
Music: "Oh My" by Patrick Patrikios

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended